066 - Hatinggabi Nang Marinig

Hating gabi nang marinig, mal'walhating awit
Ng mga anghel sa langit, alpa'y kinakalbit,
Sa lupa'y kapayapaan, balitang langit;
Upang pakinggan angawit, lupa'y nanahimik.

Patuloy ang mga anghel sa pagdaratingan,
Himig nila'y lumulutang sa bu'ng sanlibutan;
Sila'y nagsalisalimbay do'n sa kapatagan
Sa Babel na alingawngaw anghel nag-awitan.

At kayong nangakahukot sa bigat ng buhay,
Na sa pasalungang daan gumagawang tunay;
Masdan! Ngayo'y dumating na oras ng kat'waan
Sa daa'y magpahingalay, dinggin ang awitan.

0:00 0:00